Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Sheridan Voysey

Sa Huli

Madalas akong mamuno sa mga espirituwal na retreat. Biyaya ang paglayo ng ilang araw para magdasal at magmunimuni. Isa ito sa ipinapagawa ko sa mga kalahok: “Pag-isipan ito – natapos na ang buhay mo at nasa obitwaryo na ang pangalan mo para ipaalam sa tao ang iyong pagpanaw. Ano ang gusto mong nakasulat dito?” Ilang kalahok ang nagbago ng prayoridad…

Muling Umawit

Ang ibon ng Australia na tinatawag na honeyeater ay hindi na nakakaawit kagaya ng dati. Tatlong daan na lamang ang natitira sa kanilang lahi. Hindi katulad ng dati na napakarami. Nakakalimutan na rin ng mga ibon na ito ang tono ng kanilang paboritong awitin. At dahil dito, ang mga lalaking ibon ay hindi na makaakit ng babaeng ibon para dumami ang…

Tumayo Para Sumayaw

Sa isang sikat na video, makikita ang matandang babae na nakaupo sa wheelchair. Dati siyang sikat na mananayaw ng ballet, si Marta Gonzalez Saldaña na ngayon ay may Alzheimer’s disease.

Pero may kakaibang nangyari nang tugtugin sa kanya ang Swan Lake ni Tchaikovsky. Habang tumutugtog iyon, mabagal na tumaas ang mahihina niyang kamay; at sa tunog ng unang trumpeta, nagsimula siyang…

Awit Ng Pag-ibig

Minsan nang naging tahimik sa parke sa tabi ng ilog. Dumaraan ang mga nag-jo-jogging, may mga namimingwit, habang kami naman ng asawa ko ay nakaupo at pinagmamasdan ang isang magkasintahan. Siguro lampas 40 na ang edad nila at nag-uusap sila sa isang wika na hindi namin naiintindihan. Nakaupo ang babae at nakatitig sa lalaki, habang ang lalaki ay kumakanta ng…

Iwasan Ang Pinto!

Pasinghot-singhot ang ilong ng dormouse na isang uri ng daga. Naaamoy kasi nito ang lagayan ng pagkain ng mga ibon. Inakyat ng daga ang lagayan, pumasok sa pinto nito at kumain ng kumain buong gabi. Kinaumagahan, nalaman nito ang mali niyang nagawa. Dahil sa dami ng kinain, dumoble ang laki niya. Hindi na siya tuloy makalabas ng pinto. Kaya, nakulong ito…